Itinanggi ng Malakanyang ang nabalitang mayroong legal kudeta para alisin ang mga malalakas na makakalaban ng standard bearer ng administrasyon na si Mar Roxas sa 2016 presidential elections.
Ito ang pahayag ng Malakanyang sa gitna na rin ng sinasabing gumagamit ng kuneksyon ang administrasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan partikular na sa Korte Suprema, Senate Electoral Tribunal, Commission on Elections at Office of the Ombudsman.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi naman maitatanggi na si Pangulong Aquino ang nagtatalaga ng mga opisyal sa mga nasabing ahensya ngunit hindi ito nangangahulugan na gagamitin ang mga ito upang maialis ang mga balakid para manalo ang standard bearer ng administrasyon.
Sa mga lumabas na ulat, pangunahing target umano ng black operations at legal kudeta ay si Senator Grace Poe na nangunguna ngayon sa mga presidential survey.(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)
Tags: Black operations, Malakanyang