Dalawang lalaki mula Boston ang naglakbay upang hanapin ang nawawalang black box ng Eastern Flight 980, na bumagsak sa Andes Mountains 31-taon na ang nakalilipas.
Patay ang lahat ng sakay ng naturang eroplano.
Noong nakaraan taon, habang hinahanap ang nawawalang Malaysian Airlines Flight 370, napagtanto ni Dan Futrell na simula noong 1965 laging bigo ang mga imbestigador na ma-recover ang flight data at cockpit voice recorder ng halos 20 flights kabilang na dito nag-crashed sa World Trade Center noong September 11, 2001 at Eastern Air Lines Flight 980 na nag-crash naman noong January 1, 1985.
Pinaniniwalaan ng mga crash investigator na hindi kayang ma-access ang lugar kung saan bumagsak ang recording device ng Eastern Air Lines Flight 980, bagay na hindi pinaniniwalaan ni Futrell.
Dahil dito nagdesisyon si Dan at ang kaibigan nito na si Isaac Stoner na magsagawa ng expedition sa Andes Mountains sa Bolivia upang hanapin ang black box ng naturang eroplano.
Inabot sila ng linggo sa paglalakbay upang marating ang dalisdis ng Illimani, kinailangan nilang magkalad ng labing limang oras para marating ang lugar kung saan pinaniniwalaan na bumagsak ang eroplano.
Ilang araw ang inabot nila sa paghuhukay sa block box Eastern Air Lines Flight 980.
Sa unang araw, natagpuan nila ang kapirasong bakal na posibleng bahagi ng eroplano kaya ipinagpatuloy pa nila ang paghahanap hanggang sa mahanap tagumpay na mahanap ng magkaibigan ang pira-pirasong bahagi ng block box ng eroplano.
(UNTV RADIO)
Tags: Black box, Dan Futrell, Eastern Flight 980, Isaac Stoner