Biyahe pabalik ng Metro Manila fully booked na sa ilang bus terminal sa Baguio City

by Erika Endraca | April 22, 2019 (Monday) | 19279

Baguio City, Inihanda ng isang bus company sa Baguio City ang 150 units upang maserbisyuhan ang mga turistang nagbakasyon sa summer capital ng bansa nitong long weekend pabalik ng Maynila.

Ngunit sa kabila nito ay fully booked na ang mga biyahe pabalik ng Metro Manila hanggang kaninang 3am

Kaya naman may masasakyan pa ang mga bibiyahe simula umaga ngayong araw

Ayon sa dispatcher ng bus company na victory liner na si marcos pesase tinatayang sampung libong pasahero ang bibiyahe ngayon na pabalik ng metro manila 

10-15 minutes ang time interval ng pag alis ng bus pabiyaheng maynila

Umaga pa lang marami na sa mga bakasyonista ang naghihintay bilang chance passenger makauwi lang ng manila

Gaya na lamang ni mark at mila na hindi raw nakapagbooked ng maaga kaya  nakapila  sila bilang chance passenger pabiyaheng cubao

Ang ilang mga bakasyonista maaga umano silang nagpa-booked , at inaasahan na rin nila na madedelay pa rin ang biyahe nila dahil sa posibilidad na magkaroon ng matinding traffic sa mga expressway dahil sa pagdagsa ng mga pasaheros na babalik ng Metro Manila ngayong araw ng Lunes .

Mahigpit din ang pagpapatupad ng terminal ng no pets allowed at deadly weapon sa kanilang pagcheck ng bawat bagahe ng mga pasaheros

Mayroon ding K-9 dog ang bus company upang matiyak na walang bomba sa terminal

Tiniyak naman ng mga bus company ang seguridad ng mga pasahero dahil nakakondisyon ang kanilang mga sasakyan, driver at kunduktor para sa mahabang biyahe upang makaiwas sa anomang aksidente sa kalsada.

(Grace Doctolero | Untv News)

Tags: ,