Bilang ng walang makain sa Ethiopia, patuloy na dumarami dahil sa El Niño

by Radyo La Verdad | January 29, 2016 (Friday) | 1855
Ethiopia(REUTERS)
Ethiopia(REUTERS)

Patuloy ang nararanasang hirap ng mga mamayan sa Ethiopia dahil sa lalong lumalang tagtuyot sa bansa bunga ng el nino na nagsimula pa noong Enero ng nakaraang taon.

Marami sa mga tao sa bansang ito partikular na ang nasa Hilagang Silangang bahagi ng ay nakararanas sa ngayon ng matinding taggutom.

Tinatayang nasa 10.1 milyong mga tao dito ang nakakaranas sa ngayon ng kakulungan sa pagkain.

Nangamamatay na ang kanilang inaalagaang hayop na sila nilang pinagkukunan ng kanilang pagkain at pagkakakitaan sa araw-araw dahil sa kakulangan sa pagkain at tubig.

Kaya naman ang karamihan sa mga ito ay iniwan ang kanilang lugar na tinitirhan kasama ng kanilang mga natitirang hayop sa paghahanap ng mga lugar na may tubig at pagkain.

Ayon sa mga otoridad, ito na ang pinaka matinding tagtuyot na naranasan ng bansa simula pa noong 1984.

Halos dalawang beses na mas matindi ito umano ang tagtuyot ngayon kaysa sa mga una na nilang naranasan.

Nananawagan naman ng agarang tulong mula sa international community lalo na at mahigit limampung libong bagong panganak na sanggol umano ang maapektuhan ng problema sa pagkain at tag-init sa bansa.

(Michael Laraya / UNTV Correspondent)

Tags: , ,