Bilang ng nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Ecuador, umakyat na sa 272

by Radyo La Verdad | April 18, 2016 (Monday) | 4992
Aftermath of earthquake in Ecuador(REUTERS)
Aftermath of earthquake in Ecuador(REUTERS)

Umakyat na sa dalawang daan at pitumput dalawa ang bilang ng mga nasawi at mahigit dalawang libo naman ang sugatan sa naganap na magnitude 7.8 na lindol noong Sabado ng gabi sa Ecuador.

Ayon kay Ecuador Vice President Jorge Glas posibleng tumaas pa ang bilang habang isinasagawa ang rescue operations.

Pinaka apektado ng lindol ang mga coastal areas sa Manabi Province na malapit sa sentro ng lindol.

Ayon sa mga otoridad 189 na aftershocks na ang naramdaman matapos ang earthquake.

Nagdeklara na ng state of emergency ang anim na probinsya at mahigit labing apat na libong army at public security personnel ang idineploy na sa mga apektadong lugar.

Nagpadala narin ng tulong ang mga bansang Venezuela, Chile, Mexico at Amerika para mga biktima ng lindol.

Ayon sa Ecuadorian government ito na ang pinakamalakas na lindol na tumama sa bansa simula noong 1979.

Tags: , , ,