Bilang ng mga Yemeni na nagsisilikas, patuloy sa pagdami sanhi ng paglubha ng kaguluhan sa kanilang bansa

by dennis | April 15, 2015 (Wednesday) | 3679
Mga Houthi rebels sa Yemen (Reuters)
Mga Houthi rebels sa Yemen (Reuters)

Lalong dumami ang bilang ng mga residenteng nagsilikas mula sa kani-kanilang tirahan dahil sa paglubha ng kaguluhan sa Yemen.

Ayon sa UN office for the Coordination of Humanitarian Affairs, tinatayang aabot sa mahigit 121,000 Yemenis ang napilitang lumikas mula nang maglunsad ng airstrike ang koalisyong pinangungunahan ng Saudi Arabia laban sa Shiite rebels noong Marso 26.

Sa ngayon, nagbibigay ng humanitarian assistance ang UN agency sa mga apektadong Yemeni kabilang na rito ang pagbibigay ng malinis na tubig, pagkain at serbisyong medical.

Samantala, naglabas ng resolusyon ang UN Security Council kung saan ipatutupad ang arms embargo sa mga Shiite rebels na kilala rin sa tawag na Houthis at inuutusan rin ang mga ito na tapusin ang karahasan sa Yemen at bumalik sa pakikipagnegosasyon na pangungunahan pa rin ng UN.

Tags: , , , , ,