Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, bumaba

by monaliza | March 13, 2015 (Friday) | 4497

UNEMPLOYMENT 031315

Bumababa sa 6.6 % ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa unang buwan ng 2015, ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA).

Mula sa 36.41 million noong Enero ng 2014 ay umakyat sa 37.5 million ang bilang ng may trabaho ngayong 2015. Nangangahulugan ito ng 1.04 million na mga kababayan natin ang nagkaroon ng trabaho

Maging ang bilang ng mga underemployed o mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan ay bumaba rin sa 17.5 % mula sa 19.5 % noong 2014

Ayon sa pamahalaan, ang magandang balitang ito ay epekto ng mga programanng pangekonomiya upang masiguro na hindi napapabayaan ang mga walang trabaho sa bansa.

Ngunit ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), duda sa resulta ng survey dahil hindi naman anila sinama ang Region 8 o ang Eastern Visayas region.

“This is not a credible survey dahil sa tingin namin ito ay incomplete dahil hindi nila sinama dito yung mga apektadong manggagawa sa buong region8. Dapat kasama sila dahil sila ang nangangailangan ng tulong ng gobyerno,” ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP

Kinontra din ni Tanjusay ang sinabi ng Malakanyang na dahil sa mga magandang programa ng gobyerno ang pagbaba sa bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Dagdag pa ng TUCP, may pagkukulang ang gobyerno dahil hindi nito naabot ang target na bilang ng mga walang trabaho sa loob ng apat na taon. Kulang pa anila ng 5.7 million na trabaho para masabing nasolusyunan na ng pamahalaan ang unemployment sa bansa

 

Tags: , , , ,