Bilang ng mga walang trabaho, nabawasan – SWS survey

by Radyo La Verdad | January 26, 2018 (Friday) | 6722

Mula 18.9 percent noong September 2017, bumaba ng higit tatlong puntos ang adult joblessness rate o bilang ng mga walang hanap-buhay sa bansa, katumbas ito ng 7. 2 million jobless adults.

Ayon ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS na isinagawa noong December 2017, ito na ang pinakamababang joblessness rate na naitala mula March 2004.

Binubuo ang mga ito ng mga umalis sa kanilang hanap-buhay, pinaalis sa kanilang trabaho o kaya ay mga first-time job seekers.

Bukod dito, mas dumami rin ang bilang mga Pilipinong naniniwala na dadami pa ang trabaho na maaaring pasukan sa mga susunod na buwan.

Paniwala ng ilan nating mga kababayan, hindi naman mahirap maghanap ng trabaho, lalo na kung di naman mapili ang isang aplikante.

Ayon sa Malakanyang, inaasahang mas dadami pa ang job opportunities sa bansa oras na maipatupad ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion na magpapaigting sa infrastracture projects ng pamahalaan.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,