Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, tumaas sa unang quarter ng 2016

by Radyo La Verdad | July 5, 2016 (Tuesday) | 2257

WALANG-TRABAHO
Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa unang quarter ng taon.

Batay sa survey ng Social Weather Station, umabot sa labing isang milyong Pilipino ang walang trabaho sa unang quarter ng 2016, mas mataas sa siyam na milyong naitala noong fourth quarter ng 2015.

Sa nasabing bilang, 5.9 million ang boluntaryong nagbitiw sa dating trabaho; 3.3 million ang tinanggal sa trabaho kabilang ang mga hindi na napalawig ang kontrata at na-lay off, habang nasa 1.8 million naman ang mga first-time job seekers.

Isinagawa ang survey mula March 30 hanggang April 2 sa may 1,500 respondents sa buong bansa.

Tags: , ,