Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Setyembre tumaas sa 2.26M – PSA

by Radyo La Verdad | November 9, 2023 (Thursday) | 3600

METRO MANILA – Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa buwan ng Setyembre ngayong taon.

Base sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 2.26 million ang unemployment sa bansa noong Setyembre na mas mataas kumpara sa 2.21 million na naitala noong Agosto.

Katumbas ito ng 4.5% na unemployment rate para sa buwan ng Setyembre na mas mataas sa 4.4% record noong Agosto.

Kabilang sa mga industriya na nakapagtala ng pagbaba ng employement ang agriculture and forestry, fishing and aquaculture, construction, manufacturing, gayundin ang human health and social work activities.

Tags: ,