METRO MANILA – Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa, base sa latest report ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng PSA, bumaba sa 1.6 million ang mga Pilipinong walang trabaho noong December 2023.
Mas kakaunti ito kumpara sa 1.83 million na unemployment noong Nobyembre nang nakaraang taon.
Dahil dito bumagsak sa 3.1% ang unemployment rate noong December 2023, na mas mababa kumpara sa 4.3% na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.
Welcome naman para sa National Economic Development Authority (NEDA) ang pagbaba ng unemployment sa bansa, na anila’y indikasyon lamang ng patuloy na masiglang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Tags: NEDA, unemployment