Bilang ng mga Pilipinong nasisiyahan sa anti-drug war, bumaba

by Radyo La Verdad | April 19, 2017 (Wednesday) | 4909


Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nasisiyahan sa kampanya ng administrasyon laban sa illegal drugs dahil umano sa mga naitatalang kaso ng extrajudicial killings.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations, umabot lamang sa plus 66 ang nakuhang satisfaction rating nito sa unang quarter ng taong 2017.

Mas mababa ito ng labing isang puntos kumpara sa nakuhang plus 77 noong December 2016 SWS survey.

Ang naturang survey ay isinagawa nitong nakalipas na March 25 hanggang 28 sa isanglibo at dalawandaang respondents.

Tags: , ,