Bilang ng mga Pilipinong naniniwalang bubuti pa ang kanilang buhay sa susunod na isang taon, tumaas – SWS

by Radyo La Verdad | May 26, 2015 (Tuesday) | 1118

SWS
Tumaas ng isang porysento ang mga Pilipinong naniniwala na bubuti pa ang kanilang buhay sa susunod na isang taon.

Base sa bagong survey ng Social Weather Stations, 42 percent ang positibong naniniwala na magbabago pa ang kanilang buhay sa susunod pang mga buwan, samantalang limang poryento naman ang negatibo.

Sa kabuuan, nakakuha ito ng marka na positive 37 o very high.

Sa kabila nito, bumaba naman ang bilang ng mga umaasang Pilipino na magiging maunlad pa ang ekonomiya ng bansa.

Mula 31 percent noong last quarter ng 2014, bumaba ito sa 27 porsyento ngayong 1st quarter ng 2015 o bumaba ng sampung puntos ang mga naniniwalang uunlad pa ang ekonomiya ng Pilipinas.

Isinagawa ang survey noong March 20 hanggang 23, 2015 mula sa 1,200 respondents. ( Nel Maribjoc/UNTV News)

Tags: