Bilang ng mga pilipinong nagsasabing sila ay mahirap, bumaba – SWS survey

by Radyo La Verdad | August 5, 2016 (Friday) | 6491

poor
Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga pamilyang nagsasabi na sila ay mahirap.

Batay sa bagong suvey ng Social Weather Stations noong June 24 hanggang 27 sa 1,200 respondents, 45 percent o katumbas ng nasa mahigit sampung milyong pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap, mas mababa ito kumpara noong April 2016 na may 46 percent.

Ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap ay mula sa Visayas Region na nabawasan ng limang porsyento at sa Luzon na nabawasan ng apat na prosyento kumpara noong nakaraang quarter.

Habang mas tumaas lamang ng 2% sa NCR at 1% sa Mindanao

Nananatili naman sa 31 percent ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap base sa klase ng pagkain ng kanilang pamilya kumpara noong nakaraang quarter.

Bumaba ng 2% sa National Capital Region at Luzon, subalit tumaas naman ng 2% sa Visayas at Mindanao.

Sa pagupo ng bagong administrasyon, ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na papalawigin pa niya ang programang direktang tutulong sa mga mahihirap na pamilya.

Aabot sa halos 55 biliion pesos ang inilaan na panukalang budget ng pamahalaan sa 2017 para sa pagpapatuloy ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4PS.

Ayon sa Chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food Senator Francis Kiko Pangilinan, kung maipatutupad ito ng maayos lalo na ang pagbibigay ng buwanang bigas sa mga mahihirap, tiyak na malaki ang maitutulong nito sa pamilyang kapos sa ikabubuhay.

Bilang tugon sa naging pahayag ng Pangulo, plano ng Department of Social Welfare and Development na magbigay ng apatnapung kilo ng bigas kada buwan sa mga pamilyang benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer o CCT.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: ,