Bilang ng mga pasaherong magtutungo sa NAIA, inaasahang mas kaunti na ngayong linggo ayon sa International Airport Authority o MIAA

by Radyo La Verdad | December 29, 2015 (Tuesday) | 1544

JOMS_KAUNTI
Inaasahan na mas kakaunti na ang mga pasahero na magtutungo sa Ninoy Aquino International Airport ngayong linggo.

Sa ikalawang linggo pa lang ng Disyembre 2015 ay umabot na sa mahigit limampunglibo ang naging pasahero ng paliparan.

Subalit sa unang linggo ng Enero, umaasa ang pamunuan na muling itong dadagsain ng mga pasahero para sa pagbabalik eskwela ng mga estudyante, muling pagpasok sa trabaho ng mga empleyado at maging ng mga galing sa bakasyon.

Sa kabila nito, patuloy ang mahigpit seguridad sa paliparan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Samantala, inabisuhan naman ng pamunuan ng MIAA ang mga pasahero na sasakay ng taxi na magingat sa mga mapang-abusong driver. Payo nila, kapag hindi accreditted na airport taxi ay huwag itong sasakyan.

(Joms Malulan / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,