Bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagugutom, bumaba

by Radyo La Verdad | May 12, 2015 (Tuesday) | 1824

HUNGER RATE

Nasa walong daang libong Pilipinong pamilya o 3.7 % ang nabawas sa mga nagsasabing sila ay nakararanas ng gutom.

Sa bagong hunger survey ng Social Weather Stations, sa 1st quarter ng 2015, umabot sa 13.5 % o nasa tatlong milyong mga pamilya ang nagsasabing sila ay nakararanas ng involuntary hunger, mas mababa ng halos 4% kumpara noong last quarter ng 2014 na may 17.2 %.

Sa naturang survey, dalawang porysento ang ibinaba ng bilang ng pamilyang nagsasabing hindi madalas nagugutom o isang beses lang sa loob ng tatlong buwan nagutom.

Mula 4.1% noong last quarter ng 2014 bumaba naman sa 2.4 % ngayong March 2015 o nasa mahigit kalahating milyong pamilya ang nagsasabing madalas o palaging nagugutom.

Ito na ang pinakamababang naitala mula noong May 2005.

Isinagawa ang survey noong March 20 hanggang 23, 2015 sa 1,200 respondents.

Tags: ,