Batay sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2016, halos kalahati ng mga Pinoy o nasa 41.6% ang mas nais na lamang magpakasal sa Huwes o sa pamamagitan ng civil rites.
Sa pagitan ng taong 2007 hanggang 2016, bumaba rin ng higit 14 na porsyento ang bilang ng mga nagpapakasal sa simbahan, ngunit hindi naman nakalagay dito ang sanhi ng pagbaba ng bilang nito.
Kapag nagpakasal sa pamamagitan ng religious rites ang isang magkasintahan, sa wedding gown pa lang halimbawa ay posibleng gumastos na ng 25 libong piso pataas. Tradisyon na rin ang pagkakaroon ng wedding cake sa reception.
Kaya naman payo ni Life Coach / Relationship Expert Nathaniel Chua, hindi mahalaga ang magarbo o simpleng kasalan basta’t pag-isipan muna ng mabuti bago magdesisyong lumagay sa tahimik.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )
Tags: nagpapakasal, Pilipinas, PSA