Bilang ng mga may trabaho sa bansa, bumaba ayon sa PSA

by Radyo La Verdad | September 8, 2023 (Friday) | 1578

METRO MANILA – Inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority na bumaba sa higit 3M Pilipino na nasa edad 18 pataas ang may trabaho sa bansa nitong buwan ng Hulyo.

Batay sa bagong datos ng ahensya, nasa 48 million ang may trabaho noong buwan ng Abril ngayong taon at naging 44 million nalang ito noong Hulyo.

Ayon kay PSA National Statistician and Civil Registrar Undersecretary Dennis Mapa, ilan sa mga nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng mga manggagawa ang sektor ng construction, manufacturing, at information and communication

Sinabi rin ni Mapa na bagamat bumaba ng mahigit 300,000 Pilipino ang walang trabaho simula July 2022 to July 2023, tumaas naman ang unemployment rate mula buwan ng Abril na may 4.5% o 2.26M sa buwan ng Hulyo na may 4.8% o 2.27M.

Binigyang linaw din ng PSA na bumaba ang participation rate sa labor force nitong buwan ng Hulyo na nagresulta sa mababang bilang ng may trabaho at mataas na bilang ng walang trabaho sa bansa.

Samantala, dahil din sa mga naranasang pag-ulan nitong mga nakaraan buwan sinabi ng PSA na isa ito sa naging kontribusyon kung bakit naapektuhan ang sektor ng agrikultura at bumaba ang July labor force participation rate.

(Bernadette Tinoy | UNTV News)

Tags: , ,