Biktima ng hit and run, tinulungan ng Serbisyong Bayanihan

by Erika Endraca | December 23, 2020 (Wednesday) | 3499

METRO MANILA – Lubos ang pasasalamat ni Noriel Valderama dahil sa wakas ay matutuloy na ang operasyon ng kanyang paa na malagyan ng bakal sa tulong ng programang Serbisyong Bayanihan.

Naaksidente noong Mayo nitong taon si Noriel na nagresulta sa pagkakapilay ng isa nitong paa kung kaya’t hindi na ito makapagtrabaho ng maayos. Ayon sa kanya, tinakbuhan umano siya ng nakabangga sa kanya, sinubukan pa umano niya itong i-contact pero hindi na ito sumasagot.

Hindi maoperahan ang paa ni Noriel sa kadahilanang walang sapat na kagamitan ang ospital at kailangan pa nitong bumili sa labas para sa bakal na gagamitin sa paa nito. Dahil sa kamahalan ng gamit ay hindi matuloy-tuloy ang inaasahang operasyon sa kanyang paa.

Kaya naisipan niya nang dumulog at humingi ng tulong sa programa sa pagasang maoperahan na ang nabali nitong paa at muling makapagtrabaho.

Agad namang tinugunan ng Serbisyong Bayanihan ang panawagang ito ni Noriel, sa tulong ng ilang sponsors at mga sektor ng pamahalaan ay matutuloy na ang inaasam-asam na operasyon ni Noriel.

(Syrixpaul Remanes | La Verdad Correspondent)

Tags: