Bigtime oil price rollback, ipatutupad bukas, June 4, 2019

by Radyo La Verdad | June 3, 2019 (Monday) | 14900

METRO MANILA, Philippines – Magpapatupad ng mahigit pisong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, June 4, 2019.

Batay sa abiso ng mga oil company, one peso and seventy centavos ang mababawas sa kada litro ng gasolina, one peso and five centavos sa diesel at piso naman sa kerosene.

Epektibo ang oil price rollback bukas ng alas-6 ng umaga, pero ang kumpanyang Phoenix Petroleum ay nagtapyas na ng presyo noong Sabado.

Ang rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa world market.

Samantala, noong Sabado nagpatupad ng rollback ang mga oil company sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG).

Mahigit anim na piso kada kilo o halos seventy pesos kada eleven kilogram na tanke ang tinapyas ng mga kumpanya ng langis sa presyo ng LPG.

Tags: ,