Bigat ng daloy ng trapiko sa Edsa mababawasan ng 20% – 30% ngayong taon – DPWH

by Erika Endraca | January 23, 2020 (Thursday) | 35196

METRO MANILA – Oras na makumpleto at mabuksan ang Metro Manila Skyway Stage 3 sa buwan ng Abril, nasa 100 Libong sasakyan ang mababawas sa Edsa.

Bukod pa ito sa 30 Libong trucks na mababawas din sa naturang major thoroughfare oras na matapos ang NLEX Harbor Link Segment 10 na nakatakda namang buksan sa Marso.

Kaya naniniwala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na ngayong taon, mag-uumpisa nang mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko sa Edsa na itinuturing na worst traffic spot Sa Metro Manila.

“With the second half of this year, we will relieve Edsa of 20-30 percent. Malaki po ang improvement sa Edsa and for the first year, starting this year and in subsequent years, we will see continued improvement along Edsa ” ani DPWH Sec. Mark Villar.

Bukod pa ito sa mga proyektong tulay, bypass roads at skyways na bahagi rin ng Build, Build, Build infrastructure projects ng Duterte Administration.

“Pag natapos na yung skyway, luluwag na ang edsa sa term ni president, madedecongest natin ang Edsa at yung 5-minute from Cubao to Makati, possible po, magagawa natin ” ani DPWH Sec. Mark Villar.

Tiwala rin ng opisyal na kung matatapos lahat ng proyektong imprastraktura, malaki ang posibilidad na maibalik sa 280,000 vehicle-capacity ang Edsa. Sa ngayong umaabot sa 400 Libong sasakyan ang bumabaybay sa Edsa araw-araw.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,