Bigas na inangkat ng NFA, mabibili ba sa mga palengke sa Metro Manila

by Radyo La Verdad | June 26, 2018 (Tuesday) | 6268

Mabibili na ilang palengke sa Metro Manila ang inangkat na bigas ng NFA. Makalipas ang apat na buwan, mabibili na ang NFA rice tulad sa Commonwealth Market.

Nananatiling P27 at P32 ang kada kilo ng NFA rice na ayon sa NFA at mga retailer ay katumbas ito ng kalidad ng bigas na may halagang P43 at P47 kada kilo.

Nagdidiskarga pa rin ng NFA rice sa mga pantalan sa bansa na sa kabuoan ay nasa 5 milyong sako ang inangkat ng NFA mula sa Thailand at Vietnam. Nasa 1.5m na sako ang nakalaan sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay NFA Administrator Jason Aquino, hindi na mauulit na mawalan ng stock ang nfa at agad na silang mag-aangkat kung kakailanganin.

Inaasahan naman na bababa na ang presyo ng commercial rice dahil sa pagdating ng NFA rice.

Sa ngayon ay nasa P42 pa rin ang presyo ng ordinaryong bigas.

 

Tags: , ,