Nabalot ng smog ang Beijing kahapon, at umabot sa “very unhealthy” level ang hangin sa kapaligiran.
Ayon sa data ng Beijing Municipal Environmental Monitoring Center, hanggang kahapong ala-una ng hapon ang air quality index o aqi reading ay 206.
Noong biyernes nagbabala ang Chinese government sa mga residente sa malaking bahagi sa hilaga na maghanda sa smog at ang pinaka-maapektuhan niito ay ang Beijing dahilan upang mag-issue ng red alert.
Inilalagay sa red alert ang isang lugar kapag ang air quality ay lumampas sa level 200 ang air quality index at tumagal ng tatlong araw.