BBL, kailangan ng Charter Change – Senate committee report

by dennis | May 20, 2015 (Wednesday) | 1558
File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Hindi maaaring madaliin ng Kongreso ang pagpasa sa proposed Bangsamoro Basic Law (BBL) dahil ang pagtatatag ng panibagong autonomous region para sa mga Muslim sa Mindanao ay mangangailangan ng pag-amyenda o rebisyon sa Saligang Batas.

Ito ay batay sa draft report na inihanda ng Senate committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

“The Bangsamoro has much merit, but its promulgation requires constitutional amendment or revision; mere legislation will not suffice, and will spark Supreme Court litigation,” pahayag ng report na pinangasiwaan ni Senador Miriam Defensor-Santiago.

Ang 27-pahinang draft committee report ay kasalukuyan ngayong ipinapamahagi sa mga miyembro ng komite kabilang ang pitong iba pang senador kasama sina Senador Vicente Sotto III, Sen Teofisto Guingona III, at Sen. Ferdinand Marcos Jr.

Ang naturang draft report ay maaaring isama o i-consolidate sa committee report ng Committee on Local Government na pinangungunahan ni Marcos na kasalukyang nagsasagawa ngayon ng mga pagdinig kasama ang Committee on Peace , Unification and Reconciliation na pinangungunahan naman ni Guingona.

Sa kabuuan ng report ng Constitutional amendments, sinabi nito na kailangang amyendahan ang Saligang Batas para tuluyang maipatupad ang BBL.

Tags: , , , ,