Tatlong pangunahin at mahahalagang isyu sa bansa ang maaring talakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa ika-23 ng Hulyo.
Ayon kay Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino, pangunahin dito ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at federalism.
Ang BBL at federalismo ay ipinangako ng pangulo noong 2016 elections para mapabilis ang pag-unlad ng bansa.
Samantala, wala namang nakikitang posibilidad si Tolentino na magkaroon ng deadlock sa bicameral committee sa pagpapasa ng BBL lalo pa’t prayoridad na maipasa na ang batas upang tuluyang makamit ang kapayapaan sa Mindanao.
Ayon pa kay Tolentino, kaunti lamang ang usapin sa magkabilang bersyon na pinagtatalunan gaya ng pagkakaroon ng isang regional police, Regional Armed Forces at banks and currency.
Nasa Pangasinan si Tolentino upang pangunahan ang oath taking ng mga bagong halal na barangay officials sa Dagupan City at Mangaldan.
( Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent )
Tags: BBL, Federalism, SONA