Bawal ang epal sa Panagbenga Festival

by Jeck Deocampo | December 26, 2018 (Wednesday) | 5889

BAGUIO, Philippines – Nagbabala ang organizers ng Baguio Panagbenga Flower Festival na paaalisin nila ang sinomang pulitiko na sasamantalahin ang taunang okasyon upang mangampanya para sa darating na 2019 midterm elections.

Sinabi ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan na maaari namang makilahok sa parada ang mga pulitiko ngunit hindi sila pinapayagang magdulot ng pagkaantala ng programa dahil sa pakikipagkamay sa mga manunuod.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagkakabit ng mga poster at tarpaulin ng mga kandidato sa lugar.

Si Mayor Domogan ang chairman ng organizing committee ng Baguio Flower Festival na ginaganap tuwing Pebrero.

Tags: , , ,