Batas ukol sa maagang pangangampanya ng ilang pulitiko, may mga loophole – Comelec

by Radyo La Verdad | May 25, 2015 (Monday) | 2162

COMELEC-FACADE-2
Naniniwala ang Commission on Elections na may butas ang batas na may kaugnayan sa pangangampanya ng ilang pulitiko, kaya’t nagkakaroon ng premature campaigning.

Una nang sinabi ng tagapagsalita ng poll body na kahit nakapaghain na ng Certificate of Candidacy sa Oktubre ang mga pulitikong tatakbo sa 2016 elections, hanggang hindi pa campaign period, hindi pa rin aplikable sa mga ito ang mga prohibitions ng batas gaya ng paglabas sa mga television programs.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, nais nila na masolusyonan ang problemang ito subalit sa ngayon aniya mas nakatuon ang Comelec sa paghahanda kung anong sistema ang gagamitin sa darating na halalan.

Hinimok naman ni Bautista ang mga Civil Society Group na tumulong sa kampanya na huwag tangkilikin ang ganitong klaseng pulitiko.

Nito lamang nakaraang linggo sinimulan nang dinggin sa Senado ang panukalang batas ni Senator Miriam Defensor Santiago kaugnay sa pre mature campaigning.

Sa Senate Bill 2445 o ang Anti Pre Mature Campaigning Act ni Santiago ipagbabawal ang self promotion o premature campaining isang taon bago ang campaign period.

Tags: , , ,