Batas na nagbabawal sa mga maliliit na bata na umangkas sa motorsiklo, epektibo na ngayong araw

by Radyo La Verdad | May 19, 2017 (Friday) | 10885


Simula na ngayong araw ang pagpapatupad ng Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015.

Ito ang batas na nagbabawal sa pagsakay o pag-aangkas ng mga bata sa motoriklo.

Sa ilalim ng Republic Act 10666 hindi na papayagan ang pagsasakay sa two-wheeled motorcycle ng mga batang wala pang kakayahang umangkas sa motorsiklo.

Sakop ng batas na ito ang mga dumadaan sa public roads kasama na ang national highways, provincial roads, municipal at barangay streets.

Layon nitong protektahan ang kapakanan ng mga batang pasahero.

Hindi naman tinutulan ng ilang motorcycle rider ang pagpapatupad ng naturang batas.

Tulad ng ibang batas trapiko, may katapat ding parusa ang sinomang lalabag dito.

Tatlong libong piso ang multa para sa first offense.

Limang libo naman sa ikalawang paglabag.

Ten thousand pesos at isang buwang suspensyon sa drivers license naman ang katumbas ng third violation, habang kakanselahin naman ang lisensya sa ika-apat na paglabag.

Ang Land Transportation Office ang nataasan na manguna sa implementasyon ng batas, katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

(Victor Cosare)

Tags: , ,