Batas na magpaparusa sa mga tindahang hindi magsusukli ng tama isinusulong sa Lower House

by Radyo La Verdad | June 17, 2015 (Wednesday) | 3614

EXACT CHANGE BILL
Pumasa na sa third at final reading sa mababang kapulungan ng kongreso ang Exact Change Bill.

Ito ang batas na nag-aatas sa lahat ng mga tindahan at establisyemento sa bansa na magsukli ng tama

Sa pamamagitan ng naturang batas, mapipigilan na ang mga abusadong tindahan na nasanay ng hindi nagsusukli ng tama.

Kahit ito ay barya lamang, karapatan ng mga consumer na humingi ng sukli

Mapipigilan na rin ng naturang batas ang pagsusukli ng ibang bagay gaya ng candy sa halip na pera .

Sa mga lalabag, pagmumultahin ng limang daang piso hanggang dalawamput limang libong piso, at maaari ring mapawalang bisa ang kanilang business permit

Sa senado, nasa Committee level pa lamang ang Senate Bill 1618 o Exact Change Bill ni Senador Miriam Defensor Santiago.

Tags: ,