Batas-militar, kailangan pa sa Mindanao – AFP

by Radyo La Verdad | October 18, 2017 (Wednesday) | 2512

Kailangan pa ang batas-militar sa Mindanao ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Sa panayam ng programang Why News kay AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla kagabi, sinabi nito na kahit na nabawi na nila ang Marawi City mula sa mga terorista, kailangan pa ring harapin ng pamahalaan ang grupong sumusuporta sa mga terorista.

Tiniyak din nito na wala namang dapat ikabahala ang publiko sa pag-iral ng martial law sa Mindanao dahil maayos itong naipatutupad ng military.

Hindi rin anila naabuso ang karapatang pantao ng mga mamamayan ng Mindanao kagaya nang unang umiral ang batas-militar sa bansa.

Nakatuon umano ang martial law sa pagsugpo ng mga grupo at elemento na layong maghasik ng mga kaguluhan.

Tags: , ,