Basura na galing sa mga eroplano, posibleng pinanggalingan ng ASF Virus – DENR

by Erika Endraca | September 19, 2019 (Thursday) | 25860

MANILA, Philippines – Nais ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa muna ng treatment sa mga basura na nanggagaling sa mga eroplano ang contractor ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago ilabas sa paliparan.

Dinadala ang mga ito sa Payatas kung saan inihihiwalay ang mga recyclable at tirang pagkain.

Nagpapabalikbalik ang mga eroplano sa iba’t-ibang bansa at posibleng sa lugar na mayroon na ring African Swine Fever (ASF) outbreak galing ang virus na nakarating sa bansa.

Samantala, hinihintay pa ngayon ng DENR ang pagsusuring ginagawa ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa mga naglutangang baboy sa mga ilog at creek sa marikina at Quezon City.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,