Banta sa Peace & Security sa Asya, dapat resolbahin sa mapayapang pamamaraan – PBBM

by Radyo La Verdad | September 22, 2022 (Thursday) | 7994

METRO MANILA – Sa pagharap sa 77th session ng United Nations (UN) General Assembly ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Binigyang-halaga nito sa kaniyang speech ang pananatili ng friendly foreign policy ng Pilipinas o ang nakilalang tag line ng nakalipas na administrasyon na “Friend to all, enemy to none”

Nakatuon aniya ang Pilipinas sa pagsusulong ng kapayapaan at hustisya sa gitna ng pagkakaroon ng banta sa kapayapaan at katatagan sa Asya.

Dapat din aniyang resolbahin ang mga hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan.

Umaasa rin itong kayang gapiin ang suliranin sa mga insidente ng racism at asian hate.

“In Asia, our hard-won peace and stability is under threat by increasing strategic and ideological tensions. These behoove us to uphold the ideals that led to the establishment of this parliament of nations, and to reject any attempt to deny or redefine our common understanding of these principles.” ani Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tags: , ,