Bagyong Neneng, palabas na ng PAR

by Radyo La Verdad | September 11, 2018 (Tuesday) | 3156

Inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Neneng ngayong araw. Namataan ito ng PAGASA sa layong 275km sa west northwest ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 60kph at pagbugso na aabot sa 75kph. Kumikilos ito pawest southwest sa bilis na 20kph.

May bahagyang epekto pa ang bagyo sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Provinces, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley. Makararanas din ng papulo-pulong ulan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, bukas ay inaasahan namang papasok sa PAR ang bagyong may international name na “Manghut”. Namataan ito ng PAGASA kaninang alas tres ng madaling araw sa layong 1,964km sa silangan ng Southern Luzon.

Taglay nito ngayon ang lakas ng hangin na 160kph at pagbugso na aabot sa 195kph. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 30kph.

Ayon sa PAGASA, posibleng tumbukin ng mata ng bagyo ang dulong Hilagang Luzon na kinaroroonan ng Batanes at mga karatig isla nito.

Subalit inaasahang mararamdaman sa malaking bahagi ng Luzon ang bagyo dahil sa lawak ng ulap nito.

Sa ngayon ay nasa kategoryang typhoon na ang bagyo at posibleng umangat pa ito sa super typhoon.

Ayon sa PAGASA, mula Huwebes ay mararamdaman na sa bansa ang bagyo kung hindi magbabago ang direksyon nito.

 

 

Tags: , ,