Bagyong may international name na “Dujuan”, posibleng pumasok ng maaga sa Philippine Area of Responsibility

by Radyo La Verdad | September 23, 2015 (Wednesday) | 1729

typhoon-dujuan
Posibleng pumasok ng maaga ang bagyong may international name na “Dujuan” sa Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAGASA forecaster Jori Loiz, maaaring pumasok mamayang gabi ang bagyo sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Bibigyan naman ito ng local name na “Jenny” na siyang magiging ika-10 sama ng panahon para sa taong 2015.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,745 KM silangan ng hilagang Luzon at may lakas ng hangin na 75 kilometro kada oras.

Bagama’t hindi inaasahang tatama sa lupa, maaari pa rin nitong palakasin ang habagat na nakakaapekto na ngayon sa Visayas at Mindanao.

Tags: ,