Bagyong Lando, napanatili ang lakas habang nasa loob ng PAR

by Radyo La Verdad | October 15, 2015 (Thursday) | 3035

pagasa
Napanatili ng bagyong Lando ang kanyang lakas hanbang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Namataan ito ng PAGASA sa layong 1,185 kilometers sa Silangan ng Baler, Aurora taglay ang lakas ng hangin na 65kph at may pagbugso na aabot sa 80-kilometers per hour.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 22kph.

Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ito sa bansa subalit ang amihan ay nakaaapekto sa Northern at Central Luzon.

Samantala delikado nang pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat dahil sa taas ng mga pagalong maaaring umbot ng 4.5 meters.

Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng tumama ang bagyong Lando sa Northern Luzon sa weekend.

Tags: , ,