Isa ang Baguio City sa pangunahing pasyalalan sa bansa dahil sa malamig na klima at magagandang tanawin.
Binansagan ito bilang “Summer Capital of the Philippines” na ngayon ay isa sa 64 na lungsod mula sa 44 na bansa na itinala bilang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO Creative City.
Kilala rin ang lungsod dahil sa iba’t-ibang artist at nagsisilbing tahanan na rin ng mga artist mula sa Pilipinas maging sa ibang bansa.
Maipagmamalaki rin ng mga taga-Baguio na dahil dito, magsasama-sama ang iba’t-ibang lungsod ng iba’t-ibang bansa upang maging frontline ng UNESCO sa adbokasiya nito para sa urban development.
Ang bagong titulo ay magbibigay-daan sa pagkakaroon ng kakaibang pagkakakilanlan sa lungsod mula sa 19 na lungsod ng iba’t-ibang bansa.
Ang lungsod ng Baguio ay kilala rin sa crafts at folk art gaya ng Portugal, Italy, Thailand, Egypt at iba pa.
Kabilang din sa 64 na lungsod na kinilala ng UNESCO bilang creative cities ay ang Alba ng Italy, Aukland sa New Zealand, Bucheon ng Republic of Korea, Cape town ng South Africa, Dubai ng United Arab Emirates, Guadalajara ng Mexico, Istanbul ng bansang Turkey, Macao Special Administrative Region, China, at Manchester ng United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland.
Naglabas din ang UNESCO sa kanilang website na mula noong 2004, ang iba’t-ibang UNESCO Creative Cities Network ay kilala sa pitong kategorya, ito ay ang crafts and folk art, design, film, gastronomy, literature, at media arts and music na ngayon ay mayroon na sa 180 cities ng 72 na mga bansa.
( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )
Tags: Baguio City, mundo, UNESCO Creative City