Bagong patakaran sa mga pasaherong mahuhulihan ng bala sa mga paliparan, nais ipatupad ng OTS

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 2831

MON_PASSENGER
May solusyon na ang Office for Transportation Security sa problema sa tanim bala sa airport.

Sa halip na pigilan sa pagalis, kukumpiskahin na lamang ng OTS ang bala na makukuha sa isang pasahero at papayagan na itong makasakay ng eroplano.

Kung hindi na ito sisitahin ng OTS lalo na at nakuha sa mga matatanda at Overseas Filipino Workers.

Ang pasahero na may dalang bala na hihigit sa isa o live bullet ang siyang huhulihin at kakasuhan.

Sa ngayon walang magagawa ang OTS kundi ang ipatupad ang batas.

Ayon sa Republic Act 10591, dadakpin ang sinomang mahuhulihan na may dalang ammunition o bala sa mga paliparan at hindi ito papayagang makasakay sa eroplano

Sa ngayon sinabi ng ots na mas kakaunti na ngayon ang mga pasaherong nahuhulihan ng bala sa mga paliparan.

Ito ay dahil sa inilunsad nitong awareness campaign katuwang media.

Isa rin sa mga solusyon na naiisip ng OTS ay ang pag turn over sa airport authority ng trabaho ng pag screen sa mga bagahe ng pasahero.

Ayon sa OTS ay hindi naman talaga nila trabaho ito at wala sa kanilang mandato.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,