Tsokolate at hindi pera umano ang nakunang isinubo ng OTS personnel sa NAIA

by Radyo La Verdad | September 22, 2023 (Friday) | 5944

METRO MANILA – Itinanggi ng empleyado ng Office of the Transportation security ang paratang na paglunok ng 300 dollars na umano’y ninakaw niya mula sa isang Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakasaad umano sa isinumite nitong supplemental affidavit na wala siyang kinuha o nilunok na pera.

Tsokolate umano at hindi papel ang nakuhanan ng camera na kanyang isinusubo.

Sa ngayon ay suspendido na ang naturang OTS personnel at sakaling mapatunayan ang alegasyon ay mahaharap ito sa kaso.

Tags: ,