Bagong Coronavirus Variant na tinatawag na ‘MU’, binabantayan ng WHO

by Radyo La Verdad | September 2, 2021 (Thursday) | 4029

METRO MANILA – Nakabantay ngayon ang World Health Organization (WHO) sa panibagong Coronavirus Variant na tinatawag na ‘MU’ o B.1.621.

Una itong natukoy sa Colombia noong buwan ng Enero at classified bilang variant of interest.

Ayon sa WHO, may mutations ang variant na nagpapakitang may risk ito ng resistance sa mga bakuna at kinakailangang mapag-aralan pa ng mabuti.

Tumitindi ang concern sa mga naglilitawang bagong virus mutations sa gitna ng pagtaas ng infection rates sa buong mundo dahil sa Delta variant, partikular na sa mga di pa bakunado at sa mga rehiyon kung saan niluwagan ang anti-virus measures.

Tags: ,