Baboy sa South Africa, marunong magpinta

by Radyo La Verdad | February 1, 2018 (Thursday) | 3933

Karamihan ng hayop ngayon ay madali nang turuan ng iba’t-ibang tricks tulad ng aso na nakakapag-compute at unggoy na nakakapag-solve ng puzzle. Pero iba ang baboy na galing sa South Africa dahil hindi ito tinuruan pero nagkusang magpinta.

Pinangalanan na Pigcasso ang 204 kilograms na baboy na kinagigiliwan ngayon dahil sa hilig nitong magpinta.

Si Joanne Lefson, isang South African animal-rights activist ang kumupkop kay Pigcasso matapos iligtas ito mula sa isang katayan noong ito’y four weeks old pa lang.

Ayon kay Lefson, nang dalhin niya si Pigcasso sa kanyang farm ay binigyan niya ito ng mga laruan at kasama na doon ang ilang paintbrush. Nang mapansin na ito ang pinili ni Pigcasso, binigyan niya pa ito ng pintura at canvas. Agad namang nagpintura si Pigcasso at ngayon ay binibili ng ilang art collectors ang gawa niya.

Sa kasalukuyan ay si Pigcasso pa lang ang kilalang baboy na kayang magpinta. Dahil dito ay umaasa si Lefson na sana ay kilalanin ang baboy bilang isa sa mga matatalinong hayop

Tags: , ,