Babaeng piloto ng Philippine Air Force, kauna-unahang recipient ng US Air Force scholarship program

by Radyo La Verdad | February 15, 2018 (Thursday) | 4429

Isa pang dream come true para sa Filipina pilot na si Catherine Mae Gonzales na mapili siyang recipient ng scholarship program ng United States Airforce.

Taong 2013, nakapasok ito sa Philippine Military Academy kung saan naging kauna-unahang babaeng company commander sa kasaysayan ng akademya. Top 10 ng PMA Salaknib Class of 2017 o Sanggalang ay Lakas at Buhay na Alay para sa Inang Bayan.

Pinili niya na maging kasapi ng Philippine Air Force bilang katuparan nang matagal na niyang pangarap na maging piloto. Pangarap niyang makapagtapos din ang kaniyang mga kapatid at isa sa mga ito ang inaasahang susunod sa kaniyang yapak sa PMA.

Mahigit isang taon pa lamang sa paninilbihan sa hukbong himpapawid ng bansa; Siya ngayon ang kauna-unahang Filipina na recepient ng aviation leadership program ng US Air Force.

Layunin ng programa  na magkaroon ng magandang relasyon ang US Air Force sa mga air forces sa iba’t-ibang bansa.

Kahapon ay tumulak na si Catherine papuntang Amerika para sa kaniyang mahigit isang taon training sa Amerika simula nitong buwan hanggang sa May 2019. Dadaan siya sa 164 hours flight training at 238 hours flight operations ground training. Umaasa ang kaniyang mga magulang sa kaniyang tagumpay.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent  )

 

Tags: , ,