Babae patay matapos masagasaan ng cement mixer truck sa Baguio City

by Radyo La Verdad | September 18, 2017 (Monday) | 2335

Patay ang isang babae nang  masagasaan ng isang cement mixer truck sa Marcos Highway sa Baguio City noong Biyernes. Batay sa  imbestigasyon ng Baguio City Police Office, mabilis ang takbo ng cement mixer truck na nawalan ng preno.

Nahagip at nakaladkad nito ang  babae na  kinilalang si Daisy Karen Pangilian Falag-ey habang  tumatawid sa kalsada bago bumangga sa limang iba pang sasakyan.

Nurse ang kuwarenta’y siete años na  Falag-ey sa Bontoc General Hospital sa Mountain province.

Sugatan naman ang limang iba pa na sakay ng  mga   sasakyang binangga ng mixer truck.

 

 

Tags: , ,