Patay ang isang babae nang masagasaan ng isang cement mixer truck sa Marcos Highway sa Baguio City noong Biyernes. Batay sa imbestigasyon ng Baguio City Police Office, mabilis ang takbo ng cement mixer truck na nawalan ng preno.
Nahagip at nakaladkad nito ang babae na kinilalang si Daisy Karen Pangilian Falag-ey habang tumatawid sa kalsada bago bumangga sa limang iba pang sasakyan.
Nurse ang kuwarenta’y siete años na Falag-ey sa Bontoc General Hospital sa Mountain province.
Sugatan naman ang limang iba pa na sakay ng mga sasakyang binangga ng mixer truck.
Tags: Baguio City, cement mixer truck, patay