Matapos maudlot ng ilang beses binuksan na sa mga motorista ang Ayala Bridge kaninang alas singko ng madaling araw.
Nagawa nang maiangat ang tulay ng 70 centimeters upang maayos na makadaan sa ilalim ang mga barge at vessel na dumadaan sa Pasig River.
Tig-dalawang lane sa magkabilang direksyon ang maaari nang madaanan ng mga sasakyan.
Ayon sa DPWH partial opening lang ito at tanging light vehicles lamang ang pahihintulutang dumaan sa tulay.
Kailangan pang ayusin ang sidewalk ng tulay at lalagyan pa ng karagdagang tension wire upang mapataas ang load capacity ng Ayala Bridge.
Marso ng isara sa daloy ng trapiko ang Ayala Bridge upang maiangat ang tulay.
Abril ang unang target na partial opening dito, ngunit hindi ito natuloy dahil sa ilang naengkwentong problema nang sinimulan na ang proyekto gaya ng pagkakaroon ng mga linya ng mga utility company na hindi maaaring basta na lamang putulin.
May dinagdag din na feature sa tulay ang kontraktor upang makatagal ito kapag tumama ang malakas na lindol.
Tags: Ayala bridge