Ayala Bridge sa Maynila, isasara sa mga motorista mula March 21-April 20 para isailalim sa pagkukumpuni.

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 1899
150312201724-400x238

Photo credit: Jess M. Escaros Jr. SCS/jme

 

Simula bukas ay sarado muna sa mga motorista ang Ayala Bridge sa Maynila para sa isang buwang rehabilitasyon.

Sa abiso ng Department of Public  Works and Highways (DPWH), mula March 21 hanggang April 20 itinakda ang full closure sa tulay na susundan ng partial closure mula April 21-July 20

Isasara din ang daanan sa ilalim ng tulay sa katapusan ng Abril para iangat ito ng higit sa dalawang talampakan.

Layon ng pagkukumpuni na patibayin ang tulay laban sa lindol at dagdagan ang kapasidad nito sa 15 tonelada mula sa kasalukuyang 5 tons.

Kritikal na rin ang kondisyon ng tulay at kailangan na itong ayusin. target nila itong buksan sa mga motorista sa July 23.

Kabilang sa mga maaapektuhan ng bridge closure ang Quezon Boulevard, United Nations Avenue, Taft Avenue, Legarda, Quirino, Recto, Magsaysay at Roxas Boulevard.

Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin ang inilatag na alternate routes: kung galing ng Legarda, kumanan sa Recto Avenue diretso hanggang M. Roxas Street at dumaan sa Jones Bridge papuntang Roxas Boulevard.

Kung manggagaling ng Taft Avenue, dumaan sa Mac Arthur Bridge at kumanan sa Palanca at kumaliwa sa Casal Street para malagpasan ang Ayala Bridge.

Maaari ring dumaan sa Quezon Bridge, kumanan ng Recto at kumaliwa sa Legarda Street.

Tags: , ,