Awiting “Dios ang bahala”, wagi sa unang weekly elimination ng ASOP ngayong Setyembre

by Radyo La Verdad | September 4, 2017 (Monday) | 1960

Dalawang awit na lamang ang kulang upang makumpleto ang labindalawang entry para sa Grand Finals ng “A Song of Praise” o ASOP Music Festival Year 6.

Kagabi ay sinimulan na ang paghahanap para sa mapipiling Grand Finalist para sa buwan ng Setyembre. Itinanghal bilang first weekly winner ang isang awit na naglalahad ng pagtitiwala sa Dios.

Naniniwala ang composer ng awit na “Dios ang bahala” na si Marvin Cortez na kinakailangan ang tulong ng Maykapal upang malagpasan ang bawat problema at pagsubok sa buhay.

Nagustuhan naman ng interpreter nito na si Daniel Grospe ng bandang “The Juans” ang mensahe at melodiya ng awit. Hinangaan naman ng mga hurado ang likhang awit ng composer mula sa Bulacan.

Tinalo ng awiting “Dios ang bahala” ang “God is here” ni Romina Riosa ng Batangas at awiting “Sama-sama” ni Jamarie Baluzo mula sa Camarines Norte.

 

(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)

Tags: , ,