Atty. Macalintal hindi pabor na magkaroon pa ng Source Code Review sa mga makinang gagamitin sa 2016 Elections

by Radyo La Verdad | July 27, 2015 (Monday) | 1784

ATTY MACALINTAL
Naniniwala si Election Lawyer Attorney Romulo Macalintal na imbes makabuti maaring makasama pa kung magkakaroon pa ng Source Code Review sa mga makinang gagamitin sa 2016 Elections.

Ginagawa ang Source Code Review upang masuri angmga programa na na nasa isang Voting Machine.

Giit ni Macalintal kahit sa mga nakaraang Automated Elections, kahit hindi nasuri ang Source Code ng mga PCOS Machine, wala namang napatunayang nagkaroon ng dayaan.

Malaking usapin din kung sino ang pahihintulutan na magsagawa ng Source Code Review dahil sa dami ng mga Political Party sa Pilipinas.

Samantala, sinabi ni Macalintal hindi na dapat pag-aksayahan pa ng panahon ng Comelec ang pagdaraos ng halalan sa mga mall.

Ayon sa kanya mas dapat na inaasikaso na lamang ng Comelec ang pagtukoy kung anong mga makina ang gagamitin sa darating na halalan.

Naniniwala si Macalintal na masyadong gipit na ang panahon sa ginagawang paghahanda para sa darating na pampanguluhang halalan.

Sa ngayon hindi pa rin tapos ang Parallel Bidding ng Comelec sa Refurbishment ng PCOS Machine at ang pagsu-supply ng mga bagong OMR Machines.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista,magpapasya sila sa gagamiting option sa pangalawang linggo ng susunod na buwan.

Tags: ,