ASEAN transportation officials, nagpulong upang talakayin ang ginagawang hakbang sa AJTP

by Erika Endraca | July 15, 2021 (Thursday) | 11362

METRO MANILA – Muling nagpulong ang mga matataas na opisyal ng transportasyon na miyembro ng ASEAN at Japan para sa ika-19 ASEAN-Japan Stom Leaders Conference upang talakayin ang pag usad ng kanilang ibat-ibang ginagawang mga hakbang sa ilalim ng ASEAN-Japan Transport Partnership (AJTP).

Sa kanilang pagpupulong, napag usapan nila ang pagusad ng proyekto sa ilalaim ng AJTP Word Plan para sa 2020-2021 at ang pagsasaalang-alang din ng kanilang mga bagong hakbang na gagawin para sa posibleng pag endorso sa susunod na pag pupulong ng ASEAN Japan Transport Ministers.

Sa pamamagitan ni Head of Delegation na si General Manager Jay Daniel Santiago ng Philippine Ports Authority, ay sinamantala ang pagkakataon upang mag pasalamat sa bansang Japan dahil sa patuloy na pag suporta at pakikipag-ugnayan nito sa pagsulong at pagpapatibay sa agenda ng mga transportasyon at mga prayoridad ng Transport Strategic Plan 2016-2025.

Ayon kay General Manager Santiago “Ang Japan ay palaging maaasahang kasosyo dahil sa pagbabahagi ng kanilang kakayahan, karanasan at kanilang pinakamahusay na kasanayan upang maging madaling tumugon ang sektor ng transportasyon sa mga hinihiling at pangangailangan ng kasalukuyang mga oras,”

Kinilala din ni General Manager Santiago ang ASEAN at Japan dahil sa ginagawa nito para sa tunay na pag unlad tungo sa layunin na pag buklodin ang regional economies at pagtibayin ang transport sector na nagsisilbing batayan at sa driver ng regional economic development at integration.

Sa pagtatapos ng pagpupulong ang ASEAN Member States at Japan ay muling nilang binago ang kailang pangako na naglalayong ipagpatuloy ang kanilang pakikipagtulongan upang mapahusay ang pagkakakonekta ng rehiyon sa pamamagitan na mas sustainable at socially inclusive ang transportasyon.

Ang mga dumalong opisyal sa nasabing pag pupulong ay sina DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure na si Atty. Mark Steven C. Pastor at Civil Aviation Authority ng Pilipinas Chief of Staff na si Atty. Danjun G. Lucas.

(Zy Cabiiles | La Verdad Correspondent)

Tags: