ASEAN Defense Ministers, sinaksihan ang pagbubukas ng Singapore Airshow 2018

by Radyo La Verdad | February 7, 2018 (Wednesday) | 4603

Pormal nang pinasimulan ang isa sa pinakamalaking air exhibit sa rehiyon, ang Singapore Airshow. Kasabay ito nang pagpupulong naman ng ASEAN Defense Ministers sa kanilang ASEAN Defense Ministers’ Meeting o ADMM retreat.

Sa opening ceremony, nakasama ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang siyam pang defense chief ng siyam na ASEAN Member States at bumati kay Sinagpore Prime Minister Lee Hsien Long matapos ang ribbon cutting.

Samantala, bahagi ng airshow ang isang exhibit kung saan makikita ang makabagong gadgets, equipment at aircrafts na may kinalaman sa aerospace industry ng Southeast Asia at iba pang mga bansa.

Bukod sa mga aircraft displays, meron din exhibits tungkol sa mga drones. Mayroong iba’t-ibang klase ng drones at mga makabagong innovations at iba pa.

Bukod dyan ay mayroon ring static aircraft display kung saan makakapasok sa cockpit ng mga eroplano at ang aerobatic flying display ng iba’t-ibang airforces ng mga bansa sa Asia gaya ng Japan, Korea at Indonesia.

Sa ngayon ay mga exhibitors at invited guests at traders pa lamang ang maaaring makapasok sa exhibit pero bubuksan ito sa publiko Feb. 10 at 11.

 

( Annie Mancilla / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,