ASEAN declaration on migrant workers, nilagdaan na ng mga bansang kasapi sa ASEAN; OFW rights advocate, nagpasalamat

by Radyo La Verdad | November 15, 2017 (Wednesday) | 3316

 

Nagpapasalamat ang Overseas Filipino Workers’ rights advocate na si Toots Ople sampu ng kaniyang mga kinakatawang OFW at migrant worker sa umano’y magandang regalong matatanggap nila sa katatapos lang na Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.

Aniya, makatutulong ito upang hindi na makaranas ng kalupitan ang mahigit dalawandaang libong migrant workers na nagtatarabaho sa ASEAN countries.

Ilan sa mahalagang probisyon na nakapaloob sa kasuduan ay ang pagkakaroon ng patas na pagtrato sa mga migrant worker pagdating sa kasarian at nationality, karapatan na mabisita ng kanilang pamilya, pagbabawal na makumpiska ang mga pasaporte, sobrang singil sa placement o recruitment fees, proteksyon laban sa karahasan at sexual harassment at regulasyon sa mga recruiter para sa mas mabuting proteksyon at patas na sahod at benepisyo.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,